Tuesday, May 5, 2020

Ayaw ng Mundo


'Ayaw ng Mundo'


hindi kasalanan ang mapag-isa
hindi rin naman siguro kasalanan na minahal kita
intensyon ko ang mahalin ka ng buong-buo 
pero sana hindi mo intensyon ang saktan ako


sa mundong sobrang gulo 
ni isa hindi ko na kabisado
nalilito sa mga sabi-sabi
ni hindi nga sigurado kung ito'y may sabit


nagkita man tayo sa magulong mundo na ito
pero tandaan mo hindi tayo ang gusto ng mundo
ayaw ng mundo na mabuo ang salitang 'ikaw at ako
wala akong magawa kundi sakayan lahat ng pangyayaring ito. 


sabi nga nila 'pinagtagpo lamang kayo'
naniwala naman ako
kasi ito ang katotohanan na alam kong ikakadurog ng puso ko

ikaw ay hindi para sa akin
at ganon din ako sa iyo


may perpektong tao na mas hihigit pa sa pagmamahal ko sayo
may perpektong tao na mas ipapadama sayo ang mga pagkukulang ko


at kung magkita man tayo sa susunod na habang buhay 

ito ang salitang 'masaya na tayo sa piling ng perpektong tao'

No comments:

Post a Comment

Maikling Pagbibilang

'Maikling Pagbibilang' isa, dalawa, tatlo magbilang man ako  ngunit hindi tayo hanggang dulo sali...